Walang corn sa corned beef. Walang dog sa hotdog. 12:49 PM Walang pusa sa pusakal. Walang bibi sa bibingka.
Bawal daw magsukat ng gown bago ikasal dahil baka di matuloy.... 8:23 PM ...Kaya wag magsuot ng uniform para hindi matuloy ang klase.
Para walang hadlang sa masarap na pagkain... 12:34 PM ...hanapin at unahin mong kainin lahat ng paminta sa adobo.
Kaya mahilig sa Thousand Island salad dressing ang mga Pinoy... 2:57 PM ...dahil maraming isla talaga dito.
Ang magtago sa likod ng unan 12:48 PM ...ay para lang nilagyan mo ng silencer ang pagsuntok ni Manny Pacquiao sa yo.
Pag ang bintana na kaharap ay isa pang bintana... 3:14 PM ...makakakita ka lang ng iba pag may sumilip rin sa kabila.
Sa kasagingan, may saging. Sa katarantaduhan, may tarantado. 12:24 PM Sa kaharian, may hari. Sa kalingkingan, may lingking ?
Ang sa baboy ay sa baboy, ang sa unggoy ay sa unggoy. 12:21 PM Pero may mga taong sadyang napagsasama pagiging unggoy at baboy. Ang tawag dun, babunggoy.
Kung ang nanay mo ay kabayo at tatay mo ay elepante 9:00 AM ...hindi ko alam kung paano ka nakakatype sa keyboard at nakakasurf pa.
Pwede mo piliin ang aalagaan mong hayop. 2:38 AM Pero matakot ka pag pwede kang piliin ng hayop na maging amo.
Masmaganda pa ang fortune cookie na may masamang fortune. 8:56 AM Keysa sa fortune cookie na walang papel man lang... dahil parang wala kang ka fortune-fortune.
Sa baraha, pula at itim. Sa sabong, sa pula o puti. Sa ngipin, puti o dilaw. 7:42 AM Wala lang. Makulay ang buhay.
Pag kumukurap-kurap na, malapit na mapundido. 7:36 AM Kaya mahirap malaman kung malapit na mapundido ang Christmas lights.
Ang turnilyo ay parang buhay 7:30 AM ...umiikot ngunit minsan nalalaglag, natatapakan, nawawawala at kinakalawang.
Kung ano ang saluhin, yun ang mapapasaiyo. 7:18 AM Kung lapida ang sinalo, derechong libing ang bagsak mo.
Di mababawasan ang lamig sa kwartong naka aircon pag umutot. 3:18 PM Babaho lang ang malamig na hangin .
Boy Gago Comics 8:23 AM Ipinakikilala ang Mascot ng Gagong Kasabihan: Boy Gago (Click comics to enlarge)
Kapag ang kalye ay naghahati sa dalawa... 7:00 PM ...lumipad para makita kung saan sila pareho papunta.
May tatlong klaseng tao sa mundo, ang manloloko, ang nagpapaloko, 10:31 AM .. at ang nanonood lang sa mga manloloko na niloloko ang naloko.
Ang taong adik sa texting, 12:04 PM ...masmahalaga pa ang 100 free text in a day, keysa bigyan mo siya ng hamburger.
Kapag mabagal maglakad nasa harapan mo, 8:07 AM ... unahan mo tapos bagalan mo lalo sa harapan niya para maramdaman niya naramdaman mo.
Kahit anong ganda ng pangalan mo, 9:45 AM ...pag dinugtungan mo ng apelyidong "de la Potpot", sasagwa siya.
Kapag may gustong sumingit sa pila, 3:03 PM ...sabihin mo, ayaw nung nasa likod mo, para di sasama loob sayo.
Ang pikon, laging talo. 1:53 PM Ang pikon na panalo, malakas mangalaksa at nahihirapan maging humble.
Kapag nagugulat ka sa multo, daga at kidlat, 7:59 PM .. . pataykambata ka kung harapin ka ng multong daga singbilis ng kidlat.
Kung ayaw kang paniwalaan na hulog ka ng langit, 8:18 AM ...para mo na rin sinabing may ipis na malambing, at langaw na masunurin.
Ang magbasa habang nakatingin sa salamin ay kahanga-hanga. 8:15 AM Ang magbasa ng menu na nakabaligtad, ay katanga-tanga.
Pag gusto mo matulog nang may challenge, 8:13 AM ...sa ilalim ng matress ka sumiksik para magmukhang palaman sa sandwich.
Pag masyadong matagal biyahe ng elevator na pababa 7:11 AM ...siguraduhin mo may pinindot ka at baka impyerno ang hintuan niya pagbukas.
Hindi ka pasasalamatan ng matandang inalayan mong tumawid ng kalye 7:14 AM ... kung wala siyang balak tumawid.
Iwasan tumingala at ngumanga ng basta basta 10:01 AM ... baka isipin kang kuweba ng ibon at iputan ka.
Mga matalinhagang salita, ipalaganap. 10:03 AM ...bochichang chi chiri kong tong nang butsekik ek-ek-ek (ek-ek-ek)
Ang bata ay di marunong magsinungaling 10:32 AM ...kaya't kung tawagin kang pangit, tanggapin mo na lang.
Sabihin mo kung sino mga kaibigan mo 9:56 AM ...at sasabihan ko silang lahat idagdag ako sa facebook ko.
Huwag mong isipin sikat ka 9:59 PM ...kahit maging kakilala mo ang kababata ng kapitbahay ng pinsan ng tita ng kaibigan ni Aga Muhlach.
Salamat Sa Pagdalo ! 8:55 PM Salamat sa pagbisita sa pinakabagaong, pinakagagong, pinakainaabangan at pinakawalang kwentang blog na ito ! Kung ikaw ay napadpad dito, h...